Ang Magkaibigan sa Mcdonalds

Kanina habang nag aalmusal ako sa Mcdo. Nasa kabilang table ang dalawang matandang lalaki. At base sa kanilang pag uusap (medyo tsismoso haha!), sila ay magkaibigan.

Noong una masaya silang nag uusap, nag kakape. Maya maya pa ay inilibas nila pareho ang kanilang mga touchscreen na cellphones. Medyo nahiya pa ako kasi mas magaganda pa ang kanilang mga cellphone kesa sa akin. 😦

Maya maya pa narinig ko ang isa sa kanila.

Lolo1: Oh pare smile. ok ayan ha 1..2..3..

Lolo2: Ok ba pare?

Lolo1: oh eto pare tignan mo, itatag ko sayo.

natuwa naman ako dahil updated sila sa mga social networking sites. 😀

Lolo1: oh ikaw naman pare smile 1..2..3.. itatag ko rin sayo to pare i like mo ha

Ahaha! Nakakatuwa lang silang panoorin at pakinggan parang may naalala tuloy ako, parang ito oh …

video source

follow: 

tumblr twitter

Idiot and Technology

albert-einstein-fear-technology-surpass-human-interaction-generation-idiots

“I fear the day that technology will surpass our human interaction. The world will have a generation of idiots.”

– Albert Einstein

id·i·ot noun \ˈi-dē-ət\

  • usually offensive: a person affected with extreme mental retardation
  • a foolish or stupid person

Imbes na magdasal bago kumain, picture muna at post sa kung saang social media. Like.

Imbes na magbasa ng libro (naaalala ko pa ang napakaraming libro ng encyclopedia noon), from encyclopedia to wikipedia.

Ang mga larong pambata noon, tumbang preso, patintero, piko, trumpo, teks, goma, holen .. at kung anu ano pa. Palitan ng DOTA, farmville, at kung anu ano pang mga online games.

Dati, family day, sama sama ang ang pamilya para mag simba at mag shopping. Ngayon, may bible apps na at syempre ang mga online selling websites one click banal kana. One click mabibili mo na ang gusto mo.

Meeting? hindi na kailangang gumastos ng pamasahe at makipagkita ng personal. Meron ng telepono at mga website at tools na merong video chat. No problem.

Gustong manood ng pelikula? Hindi mo na kailangang lumabas ng bahay at gumastos. Basta may internet connection ka, pwede ka ng mamirata kahit pa ang pinaka latest na pelikula 🙂

Gusto mong makita ang savings mo sa bangko. Walang problema yan sa online banking.

Meron kang gustong sabihin sa crush o sa kaaway mo? I post mo lang yan. Baka sakaling ma solve ang issue sa fb eh 🙂

Darating ang panahon na hindi na kilala ng mga bata/tao ang libro, bakit? Meron naman kasi E-book.

Wala na ring pupunta sa mga eskwelahan. Lahat ay magiging web based.

May kakaiba kang nararamdaman sa katawan? i-google mo kung anong sakit yan 🙂 baka kasi mapagaling ka ni google kesa kay doc.

Kaunting innovations pa sa technology maniniwala na ako sa sinabi ni Albert Einstein. Sana hindi pa huli ang lahat.