Magsisimula na daw ng kanyang sariling blog ang isa sa mga kaibigan ko. Ang sabi nya, hindi raw siya tutulad sa akin. Ako daw kasi madalang mag sulat, kaya daw hindi ako kumikita sa pagba blog. -_-

Heto na naman tayo, ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako nagsulat, hindi ako sumusulat at hindi ako magsusulat para kumita ng pera. Ang akin lang naman ay gusto kong nagagawa ang mga bagay na nakakagaan ng loob ko. At isa pa, kaya madalang ang pagsusulat ko ay dahil may trabaho ako, at hindi fixed ang schedule ko. Minsan gabi, minsan umaga o tanghali ang pasok. At minsan para akong doktor dahil para akong on call na kung tatawagan ay papasok agad. Natural lang, kailangang mahalin ang trabaho dahil sa hirap humanap nito sa ngayon.

Palibhasa isa siyang dakilang tambay. Haha.

Anyways, oras naman na magsimula na sya sa pagsusulat ay susuportahan ko siya 🙂

Kaya kaibigan, goodluck sayo 🙂

Advertisements

Plaka Vest Laban sa Krimen (?)

May ilang linggo ding naging laman ng balita ang Quezon City ordinance na tinawag na “Plaka Vest”. Ang lahat ng mga nag mamay-ari at nagmamaneho ng mga motorsiklo ay kinakailangan ng magsuot ng vest kung saan naka imprenta dito ang plaka ng kani-kanilang mga minamanehong motor.

Karamihan ng mga krimen na nangyayari sa ating bansa ngayon ay may kinalaman ang mga “riding in tandem”.

Kung tutuusin ay maganda ang layunin ng proyektong ito. Mas madali nga namang makita ang plate numbers kung ito ay naka imprenta mismo sa vest .

May mga nakita akong “butas” sa planong ito ng gobyerno.

Unang una, dagdag gastos na naman ito para sa mga nagmomotor.

Pangalawa, papaano kaya mababawasan ang mga krimen sa pamamagitan ng pagsusuot ng plaka vest. Nakaimprenta lang ito, kahit sino ay kayang magpagawa nito, paano tayo nakakasiguradong ang nakaimprenta sa plaka vest ay siya ring numero ng plaka ng motor? kung sakaling ibang numero ang nasa jacket, e di kawawa naman ang totoong may ari ng plakang yon dahil magkakaroon siya ng kaso kahit inosente siya.

Pangatlo, pangit “daw” tignan sabi ng mga kaibigan kong nagmomotor. Mukha daw silang preso na may serial number.

Since pinuna ko na rin naman itong plaka vest, bakit hindi na rin ako mag bigay ng suggestion para mas komonti kung hindi man mawala ang mga krimen na may kinalaman sa motor o sa kahit na anu pa mang mga sasakyan.

Bakit kaya hindi natin gayahin ang sistema sa bansang pinuntahan ng aking tatay. Pwedeng i-apply ito sa lahat ng klase ng sasakyan. May mga maliliit na chipset na naka kabit sa bawat plaka ng sasakyan. Naglalaman ang chipset na ito ng lahat ng impormasyon tungkol sa sasakyan. Mula sa pangalan ng may-ari, kailan ito  nabili, anung uri ng sasakyan ito, address ng may ari ng sasakyan, e-mail address, physical address, telephone number, cellphone number, mga impormasyon tungkol sa may ari ng sasakyan. Lahat cguro ng kakailanganing impormasyon ay ilalagay sa chipset na ito.

Sa bawat poste, kanto at mga stop light sa ating mga kalsada ay magkakaroon ng high definition camera at ng device na siyang kukuha ng impormasyon tungkol sa mga sasakyan na dadaan sa nasasakupan niya. Kung saka sakaling ang sasakyan ay gagawa ng kalokohan, halimbawa na ang mga simpleng traffic violations, wala ng haharang sa kanilang mga traffic officers o kung sino mang mga taga pag patupad ng batas sa mga kalsada. Bakit? Made-detect ito ng mga device na nakakabit mga poste, makukuha nito ang mga impormasyon tungkol sa sasakyan at ibabato naman ang impormasyong ito sa headquarters at nakakabit na dito ang violation ng sasakyan. Sa loob ng limang minuto ay makakatanggap ng text notification ang may-ari ng sasakyan. Naka lagay ang violation, pangalan ng may-ari ng sasakyan, plate number, pati na rin ang lokasyon kung saan nagawa ang violation at syempre ang halaga na dapat niyang bayaran. Pag hindi niya ito inasikaso sa loob ng tatlong araw ay makakatanggap na siya ng written o printed statement tungkol sa violation at pag umabot ng isang linggo ay may pupunta nang officer sa kanyang bahay.

Kung magkaroon ng krimen sa isang lugar na may sangkot na sasakyan o motorsiklo ay rereviewhin ang high definition camera at i te-trace ang mga nagdaan o pumaradang mga sasakyan sa lugar sa oras na naganap ang krimen (gamit pa rin ang mga device na nakakabit sa mga poste at stop lights.

Maaaring marami ang magtanong, mas magastos ata ang suggestion ko kesa sa plaka vest. Ito ang sagot ko: Isang tambak ang mga state university sa ating bansa hindi ba? Ipunin ang mga estudyanteng may kursong kinalaman sa IT, SE, ECE at kung anu-ano pang kurso na maaaring makatulong sa proyektong ito. Ibigay ito sa kanila bilang thesis. Sa ganoong paraan nakatipid na ang gobyerno sa pag dedevelop ng system at kung gagastos man ay hindi na ganoon kalaki kung kukuha pa tayo ng kumpanya na gagawa nito para sa atin.

Suggestion lang naman po 🙂

follow me on:

twittertumblr

SONA: Mag-Rally po tayo dahil mahirap lang tayo

Mga kapwa ko Pilipino. Mga kapwa kong Pilipino, lalong lalo na po ang mga hindi na kapag tapos ng pag-aaral dahil sa walang pantustos para sa matrikula at project sa school, sa mga walang trabaho dahil wala pa silang job experience, sa mga tambay, sa mga tsismosa, sa mga tricycle/jeep/taxi/pedicab/kuliglig driver, sa mga namumulot ng basura makaraos lang ang pang araw-araw na pamumuhay, sa lahat ng Pilipinong nagsasabing sila ay naghihirap, inaanyayahan ko po kayong lahat na mag-rally po tayo. Mag-rally po tayo dahil sa tayo ay mahirap lang.

Kailangan po nating paghandaan ang ating protesta. Kailangan nating bumili ng galon galong pintura, pakyawin po natin ang mga kartolina sa mga book stores para sa ating mga plakard, kakailanganin din po nating bumili ng yarda-yardang tela at pakyawin na rin po natin ang mga uno por unong kahoy sa mga hardware, kakailanganin po nating pakyawin ang mga plain t-shirt sa Baclaran, Divisoria at maging sa mga ukay-ukay at gagastusan din po natin ang pag papaprint sa ating mga uniform, bukod pa po diyan ay kakailanganin po nating mag-ambagan para sa mga tarpaulin na ating gagamitin sa protesta, mag aarkila din po tayo ng trak at sound system para sa ating programa, mag aarkila din po tayo ng maraming jeep para may mag hahatid at susundo sa atin.

Mga kapwa ko Pilipino, kailangan po nating ipaglaban ang ating karapatan. Kailangan po nating ibunyag ang katotohanan. Dapat din po nating ipanawagan ang pagbaba sa pwesto ng ating Pangulo para matapos na po ang ating kahirapan. Palitan po natin ang ating Presidente. Isa po siyang peke at sinungaling!

Mga kaibigan, mga kapwa ko Pilipino, mga kapwa ko manunulat sa kani-kanilang mga blog. Nagtataka lamang po ako sa mga nagrarally sa lansangan. Isinisigaw po nila ang kanilang kahirapan. PERO!! hindi ko maintindihan bakit napakagastos ng kanilang protesta. Kumpleto ang barkada, may sound system, may uniform sila, malalaki ang effigy. May mga pang arkila sila ng mga jeep papunta sa lugar kung saan man sila mag rarally.

ANAK NG TUTUT!! ang point ko lang ay ipinagsisigawan nilang naghihirap sila pero mas inuna pa nilang pagkagastusan ang kanilang rally kesa bumili ng bigas para sa mga anak nila!

Niloloko nila ang mga sarili nila!

Unang una, lagi po ninyong tatandaan na nasa huli ang pagsisisi. Ibinoto nyo ang mga pulitiko. Sinuportahan at ipinangampanya nyo noong panahon ng eleksyon tapos ngayong pumalpak ay iiwan ninyo sa ere at kakalabanin ninyo, imbes na tulungan ninyong bumalik sa “TUWID NA DAAN” ay tinalikuran ninyo.

Hindi ko alam kung kayo ang naapi o kayo ay mga umiiwas lamang sa sarili ninyong mga anino.

At kung sakaling ma-impeach ka ang Presidente, sino naman kaya ang napipisil ng mga “matatalinong ito” na ipalit sa kanya.

Mag-isip naman kayo ng matino!

Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi ng isang napakabuting tao.

“Hindi mo kasalanang ipinanganak kang mahirap, PERO kasalanan mo na kung mamamatay kang mahirap pa rin.”

Kesa sana kung sino-sino ang ating mga sinisisi  sa ating kalagayan, bakit kaya hindi natin tulungan ang ating mga sarili.

HAY NAKO!

follow me:

twitter tumblr

Brod? Fraternity Hazing “victim(s)”

“Hazing is the practice of rituals and other activities involving harassment, abuse or humiliation used as a way of initiating a person into a group. Hazing is seen in many different types of social groups, including gangs, sports teams, schools, military units, and fraternities and sororities. In the United States and Canada, hazing is often associated with Greek-letter organizations. Hazing is often prohibited by law and may comprise either physical or psychological abuse. It may also include nudity or sexually-oriented offenses.”

Naging usap usapan na naman sa telebisyon, radyo, dyaryo, internet at kung saan saan pa ang pagkamatay na naman ng isang estudyante ng dahil sa hazing.

Meron na namang mga nagluluksang pamilya na humihingi ng hustisya para sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay. Tulad ng mga kaanak ng mga dating “biktima” ng hazing, sinasabi nilang wala naman silang napansin na pagbabago sa anak at wala din naman daw silang nakikitang dahilan para sumali ang kanilang anak sa isang fraternity.

Anu-ano nga ba ang mga benepisyo pagsumali ang isang estudyante o isang indibidwal sa fraternity?

Koneksyon. Lalo na kung ang kapatirang iyong sasalihan o sinalihan ay may mga chapter (branch) sa ibat ibang lugar dito sa Pilipinas o maging sa ibang bansa.

Community Service. Paglilingkod sa mga nasasakupan ng chapter na iyong kinabibilangan. Paminsan minsan ay nag kakaroon ng ambagan maging sa pera o mga materyal na bagay lalo na sa panahon ng bagyo o anu mang unos.

Self Confidence. Matutong makitungo sa ibat ibang uri ng tao. Minsan nga lang ang self confidence ay sumosobra at nagiging “angas”.

Excellence. Sinasabing nakakatulong ang fraternity para sa pag aaral ng isang estudyante at pag nagtagal ay maging sa kanyang magiging career.

Marami pang iba’t ibang rason ang bawat kapatiran.

Para sa aking opinyon, hindi dapat lna tawaging mga “biktima” ang mga namamatay sa hazing. Maaaring marami ang kokontra sa aking pananaw. Pero para sa akin, wala din naman kasing pumipilit sa kahit na sino na sumali ng fraternity. Bawat tao ay may freewill, sya ang mamimili kung ano ang kanyang gusto. Kasi kung totoong may mga ilang “napipilitan” lang na sumali sa fraternity, naku po ! napakaraming paraan para umiwas dito kung gugustuhin lang diba?

Sa aking opinyon pa rin, parang wala namang ma so solve na kaso basta’t may involve na fraternity. Ang freternity ay parang isang network. Sabihin natin ang biktima ay sumali sa frat_A, nagkaroon ng kaso, sabihin na nating umabot na sa panahon na pag dedesisyunan na ng judge ang mga mangyayari. E kaso si judge member din pala ng frat_A, pano na? wala na? syempre, hahayaan ba niyang makulong ang kanyang mga brod?

Eto na lang siguro ang maipapayo ko sa mga magulang, huwag po ninyong pabayaan ang inyong mga anak kung ayaw ninyo silang sumali sa anumang kapatiran, bantayan po ninyong maigi. Kasi po sa totoo lang kahit saan ka magpuntang eskuwelahan, minsan nga kahit sa kuminidad lang e, ung mga tinatawag na community chapter, kahit saan po tayo magpunta, palagi pong may fraternity. Hindi natin alam marami sa mga nakakasalamuha o kahit mga nakakabanggaan lang natin habang naglalakad, hindi natin alam kung ilan sa kanila ang mga fratman.

Rise to Defend

follow me on:

twitter tumblr